amethystine_16 ([info]amethystine_16) wrote,
  • Mood: +6 sa final grade!!!!
  • Music: dakilang lahi...

umaga sa dapitan

Umaga sa dapitan, lakad sige, lakad
Kaliwa kanan sundalo ka, lakad!
Kaliwa kanan, sunod sa agos, kaliwa kanan sabay
Kaliwa kanan sunod sa magulang, aral!

Umaga sa dapitan puting tuldok, isip
Ano ka? Sino ka? Saan ka pupunta?
Estudyante sa nursing, naliligaw?
Alila, Anda, Alis, Amerika(x5)

HEARTBEAT

Sa kadilima't kawalan, mata'y nakapinid
Mga boses na sumasamo
Sanlibong matang nakatingin
Mga palad ng kinabukasang,
Kumalinga, dumampi
Isang simpleng tao, nakaputi, nakingiti
Malayo (talaga?!), malayo(saan?)

sa bayani sa monumento
Noon yon, isang salamin ng aking hinaharap

Ako'y siya, isang nurse
Isang ehemplo ng pagbabago
Sa pagkalinga ng aking kamay
Ang baya'y babangon
Gaspang ng sariling kamay,
Siyang magpapaunlad
Sipag, tiyaga
Punla kong karunungan
Lahat ay iaalay sa bayan

Lumipad man sa ibang bayan
Ako ang magiging daan
Ipamamalas ko sa kapwa
Ang init ng pagibig ng kanilang bayan
Sa aking mga salita maipamamalas
Ang pagibig ng Diyos na may kapal
Ang aking wika'y magiging isang sandata
Isang tulay ng buhay at pagmamahalan

Ako'y isang tomasinong nurse

Di ko kailangang mamatay
Para makapagligtas ng buhay
Ang bawat tibok ng aking puso
Isang alay sa dugo at pawis ng nakaraan

     (kanta: dakilang lahi...)
Iisang pinanggalingan
Iisang patutunguhan
Iisang layunin
Iisang hangganan


Kami'y mga tomasinong nars
Masipag, Mapagmahal, Makadiyos, Makabayan

 

 

yes!!!!

panes..sabayan namin last week

grabe, super pagod! di ko na namalayan ang paglipas ng august...

 

kung iisipin, sobrang haba ng panahon na ginugol namin sa pagpe-prepare ng isang 7 minute presentation...

at sa ilang linggong ‘to, ang dami na naming pinagdaanan:

  1. ang hirap gumawa ng actions at choreo na hindi magmumukhang katawatawa (lalo na pag nalaman mo na ung ibang sections nagbabayad pa ng choreographer...kaya lang, mahirap lang kami kaya sariling sikap na lang)
  2. ung piece, ung lecheng piece na napakaikle kung ikukumpara sa ibang section na merong 3 pages na piece...garrrr
  3. ung boses namin na kung hindi sabog, basag...ay nako nakakahilong mag-ayos ng mga kanta...
  4. ung costume, joketime lang...super last minute...kaninang umaga lang kami nagtahi nung sash grabe...
  5. aku ung girl na natagusan dun sa tablu namen...niyahahaha!!!!
  6. ung paint, ang kati subra...as in yellow ung both arms namin tapos silver ung palms...sa mukha namin, may gold na UST sun sa right eye, may silver paint sa left eye at may seal ng nursing sa left cheek na green...grabe, pumasok kami sa med audi na basa pa ng pintura ang kamay...at eto pa, andami daw tulu-tulo ng pintura sa stairs...pati ung mga chairs sa med audi nadungisan ng dilaw
  7. tapos andaming pasaway pag practice...wala kaming practice na kumpleto kami, as in wala. tapos mas marami pang late kesa dun sa mga on time
  8. mainit talaga ang sahig sa grandstand...meron kasi kaming part na babagsak kami sa floor...masakit sa buto pramis, tapos ang dugyot naming lahat after practice...
  9. tapos tuesday, nag-awayan pa ung iba samen... as in awayan to the maximum level...kala nga namin wala na talaga kaming pag-asa eh....
  10. hanggang nung friday, ung dilaw na paint eh nakasingit pa rin sa nails ko...ang hirap talagang tanggalin...
  11. reminder: wag gagamit ng all white na costume! madumihin, lalo na pag gagamit kau ng paint...for real...
  12. pasaway ang print ng nursing tshirt...”many are called, FEW are chosen”... tapos sa likod, “I will survive 2.00” <sa mga d nakakarelate, 2.00 po ang required grade at dapat eh pasok ka sa top 350 para makatuloy ka sa 2nd year...freakesh...>
  13. mabaho ang usok sa smoke machine...mabaho talaga
  14. ung pinto namin nung wednesday nawasak sa hindi malamang kadahilanan, kaya kanina, mejo open house lang naman ang aming room. di kami makapag-aircon dahil wala rin...at super exposed ang mga kabangagan ng section namin...
  15. ang bayani sa monumento, jose rizal na ang pose...hehe
  16. nung tanghali lang ng wednesday nagkaroon ng title ang piece namen...
  17. lage kameng nagp-pray kay god before and after practice...tapos , na-amaze sila samen kasi nung wala ng tao sa med audi, nahuli kami nung mga officers ng student council at chaka nung dean na nagppray....yep, ganyan kame kabaet...kase, halos lahat kami, galing sa catholic schools kaya ganun
  18. PANALO KAMI!!!!!

 

di man kapanipaniwala pero yes...we won!!!!pagkatapos kaming lait-laitin ng pinoy prof namin <btw, he’s gay....>, as in nung tuesday, sabi niya samen, “ANG PANGET! SOBRANG PANGET!!!” kami naman, di na alam ang gagawin para tumino kami...

 

ni-video namin ung samen so paganjan na, papapanood ko sa inyo para naman makarelate kau...sheeetttt, grabe talaga!!!di pa rin kami makapaniwala...ung iba nga samen naiyak na sa sobrang tuwa!!!sigurado na kaming uno sa pinoy!!!!! chem at psych na lang!!!!! <sings hallelujah chorus ni Handel... naks alam pa...>

 

 

grabeh, prelims na lang at tapos na ang paghihirap sa grading period na ito!!!!

nakakabobo ng mag-aral ng utak ng tao...

nga pala, nung nagpractice kame sa med audi, andaming cadaver (yep as in bangkay) sa anatomy room...at ung isa pang nakita namin, wala ng balat...kita na namin ung muscles....*shivers* ang freakish talaga pramis...tapos ang baho pa nung gamot...nakakasuka...

 

 

gaarrr, i mishu guys!!!!


  • Post a new comment

    Error

  • 1 comments

[info]verklingen

August 30 2005, 12:53:44 UTC 6 years ago

you person you! i miss you!
*tatawagan kita this week-end. XD basta, uuwi ako!*

asteeeeehg!
benta talaga yung adobo
flavored Nagaraya! XD
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…